2 Katao na Wanted sa Batas, Kalaboso!

67

*Isabela-* Arestado sa magkahiwalay na lugar ang dalawang katao na wanted sa batas matapos isilbi ng mga otoridad ang kanilang warrant of arrest.

Unang naaresto sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Rodolfo B Dizon ng RTC Branch 18, Ilagan City Isabela si Dolores Cabalza, 46 anyos, isang inhinyero, residente ng Brgy. San Vicente, Isabela.

Si Cabalza ay nahaharap sa kasong Estafa kung saan may inilalaang piyansa ang korte para sa kanyang pansamantalang kalayaan na P26,000.00.


Samantala, bagsak rin sa kamay ng mga otoridad si Eustaquio Denguray, 20 anyos, binata, isang construction worker at residente naman ng Sitio Antagan Brgy. Annanuman, San Pablo, Isabela dahil sa kasong Attempted Murder o tangkang pagpatay.

Ito ay sa bisa ng mandamiento de aresto na ipinalabas ni hukom Felipe Jesus Torio II ng RTC Branch 22, Cabagan, Isabela.

Dinala sa himpilan ng pulisya ang dalawang akusado para sa karagdagang dokumentasyon bago iturn-over sa kanilang court of origin.



Facebook Comments