2 katao nagpa-pot session arestado sa Mandaluyong City

Arestado ang dalawang katao matapos na maaktuhang nagpa-potssession sa #634 F.T Evangelista St., Brgy. Pleasant Hills, Mandaluyong City.

Kinilala ang mga suspek na sina Jomar Fundivilla, 31-anyos, at Francisco Policarpio, 27-anyos.

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, nakatanggap ng tawag ang mga tauhan ng Mandaluyong City Police Station Police Community Precinct 1 at Bantay Bayan members ng Brgy. Pleasant Hills mula sa concerned citizen kaugnay sa pag-pot session sa mga suspek sa lugar.


Nakumpiska sa mga suspek ang isang plastic sachet na may lamang pinaghihinalaang shabu.

Paglabag sa Republic Act 9165 Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 ang kasong isinampa laban sa mga suspek.

 

Facebook Comments