2 katao, naitalang nasawi sa pananalasa ng Bagyong Bising sa bansa; Higit 2,000 pasahero, stranded pa rin sa mga pantalan

Dalawa na ang naitalang nasawi kasabay ng pananalasa ng Bagyong Bising sa malaking bahagi ng bansa.

Nagmula ang isang nasawi sa Munisipalidad ng Saint Bernard sa Southern Leyte sa Eastern Visayas, kung saan batay sa ulat ay nabagsakan ng puno ng niyog ang lalaki na agad nitong ikinamatay.

Isa namang 47-anyos na babae mula sa Catmon, Cebu ang pangalawang nasawi kung saan ayon Cebu Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO), natutulog lamang ito sa kanilang tahanan nang mabagsakan ng puno ng niyog ang kanilang bahay.


Sa ngayon, batay sa tala ng Philippine Coast Guard (PCG), umabot na sa 2,792 na mga pasahero, drivers at cargo helpers ang nananatili sa mga pantalan ng Eastern Visayas, Bicol, Central Visayas, at North Eastern Mindanao.

Habang base naman sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa 18,467 pamilya o 68,490 indibidwal na ang lumikas sa Regions 5 at 8 dahil sa pananalasa ng Bagyong Bising.

Facebook Comments