2 katao patay sa pamamaril kabilang na ang Konsehal ng Datu Montawal

Patay sa pananambang ang isang municipal councilor ng bayan ng Datu Montawal sa Maguindanao, Linggo ng umaga.
Ang biktimang si councilor Ruben “Udzi” Mindalagat ay patay on the spot nang bagbabarilin ng hindi nakilalang suspek na sakay ng motorsiklo sa Barangay Kayaga, Kabacan, North Cotabato.
Ayon kay North Cotabato Police Provincial Office Spokesperson Lt. Colonel Bernard Tayong, patay din ang kasama ni Mindalagat na si Mokamad Mindalagat.
Ang mga biktima ay mula sa bayan ng Kabacan upang mamili ng mga suplay at nang papauwi na ang mga ito sakay ng itim na Honda Fit nang ratratin ng M-16 armalite rifle ng mga suspek.
Sinabi naman ni Kabacan-PNP Chief Major Peter Pinalgan, nagpapatuloy ang kanilang pag-iimbestiga kaugnay ng insidente.(Daisy Mangod)
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>

Facebook Comments