2 Katao sa Gamu, Isabela, Sugatan sa Pagbangga ng Motorsiklo sa Isang Tractor Head!

*Gamu, Isabela- *Sugatan ang dalawang lalaki matapos bumangga ang minamanehong motorsiklo sa nakaparadang tractor head sa kahabaan ng Upi, Gamu, Isabela.

Kinilala ang mga biktima at driver ng motorsiklo na si Jose Madriaga, 29 anyos, jobless at residente ng Tupa, San Vicente, Cabagan, Isabela at backrider nito na si Roberto Madriga, 47 anyos, magsasaka at residente ng brgy Song song, Gamu, Isabela.

Sa nakuhang impormasyon ng RMN Cauayan, lumalabas sa imbestigasyon ng PNP Gamu na habnag binabybay ni Jose ang nasabing lansangan galing ng brgy Guibang patungong Junction Upi nang marating ang pinangyarihan ng insidente ay aksidenteng nabangga nito ang isang nakaparadang tractor head.


Nagtamo ng sugat sa katawan ang dalawang biktima na dinala naman ng DART Rescue 831 sa provincial hospital sa Ilagan City para sa kanilang kaukulang lunas.

Dinala na sa PNP Gamu ang motorsiklo para kaukulang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments