Sugatan ang dalawang katao matapos ang naganap na protesta sa Port City of Rotterdam, isang siyudad sa Netherlands.
Ayon sa tagapagsalita ng mga otoridad na si Patricia Wessels, nagsunog ng mga sasakyan at nagbatuhan ng mga bato ang mga nagpoprotesta bilang tugon sa water canon ng mga pulis.
Aminado naman si Wessels na nagpaputok na rin sila ng baril dahil lumalala na ang gulo sa pagitan ng mga nagpoprotesta at pulis.
Nabatid na daan-daang mga taon na nagtipon sa lugar bilang protesta sa plano ng gobyerno na higpitan ang access sa mga taong hindi pa nababakunahan.
Sa ngayon, nagpalabas na ang gobyerno ng Rotterdam ng emergency ordinance na layong panatilihin ang mga tao sa loob ng kanilang mga tahanan.
Matatandaang nitong nakalipas na linggo, muling tumaas ang kaso sa Netherlands na umaabot sa 20,000 kada araw, pinakamataas magmula ang pandemya.