2 Katao, Timbog sa Bitbit na Patalim

25

Cauayan City, Isabela- Inaresto ng mga awtoridad ang dalawang (2) katao dahil sa paglabag umano sa batas dahil sa bitbit na patalim ng maharang sa isang checkpoint sa Friendship Park, Alcala, Cagayan ngayong araw.

Kinilala ang naaresto na sina Gilbert Villanueva, 25-anyos, magsasaka at residente ng Zone 7, Brgy. Piggatan, Alcala, Cagayan at Joey Pamittan, 43-anyos, construction worker at residente ng P-3, Brgy. Redondo, Iguig, Cagayan.


Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, sakay ang dalawa ng minamanehong motorsiklo ng madaan ang mga ito sa checkpoint at nakumpiskahan ng nasabing patalim.

Nahaharap sa kasong paglabag sa Batas Pambansa Blg. 6 (Illegal Possession of Bladed, Pointed or Blunt Weapons, and for other Purposes) ang mga suspek na nasa kustodiya ngayon ng pulisya para sa kaukulang disposisyon.

Facebook Comments