2 kilo ng shabu, nasabat ng PNP-DEG sa Zamboanga City

Nasa 2 kilo ng hinihinalang shabu na may tinatayang ₱13.6 million ang halaga ang nasabat ng mga tauhan ng Philippine National Police – Drug Enforcement Group (PDEG).

Sa ulat mula kay PDEG. Director PBGen. Eleazar Matta, nakuha ang mga shabu sa buy bust operations na ginanap kaninang madaling araw sa Barangay San Jose Gusu, Zamboanga City.

Ayon kay Matta, malaking bagay ang pagkakaaresto sa suspek dahil sa pamamagitan nito ay maiiwasan ang pagkalat ng iligal na droga.


Sa ngayon, nai-turn over na sa Zamboanga City Police Office Station 11 ang suspek para sa temporary detention at para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.

Facebook Comments