2 Koreano at 9 na Pinoy, arestado ng CIDG dahil sa iligal na pagmimina

Nadakip ng mga operatiba ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ang dalawang Koreanong negosyante at siyam na Pilipino sa operasyon laban sa iligal na pagmimina sa Barangay San Vicente, Butuan City.

Ayon kay CIDG Director PMGen. Nicolas Torre III, nahuli ang grupo habang nagbibiyahe ng 500 sako ng hinihinalang copper ore minerals na nagkakahalaga ng ₱700,000.00 gamit ang isang trailer truck.

Sa datos ng CIDG, walang mining rights, permits, o agreements mula sa Mines and Geosciences Bureau ang mga suspek.


Nakatakdang ipagharap ang mga naaresto ng paglabag sa illegal exploration, theft of minerals at transporting minerals without permit ng Republic Act No. 7942 o Philippine Mining Act of 1995.

Facebook Comments