Kinumpirma ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 2 na ang nasawi dahil sa pananalasa ng Bagyong Florita.
Sa datos ng NDRRMC ang isang nasawi ay mula sa Cagayan na isang 63 years old na lalake kung saan ito ay natamaan o nabagsakan ng puno noong kasagsagan ng bagyo.
Ang pangalawang casualty naman ay isang 56 years old na lalake mula Kalinga na tinamaan din ng puno at namatay dahil sa skull fracture.
Samantala, beneberipika pa ng NDRRMC ang sinasabing pagkasawi ng isang 32 years old na lalake mula sa Camarines Sur na umano’y biktima naman ng pagkalunod.
Ayon pa sa report ng NDRRMC, 3 ang kumpirmadong sugatan mula Cagayan matapos silang matamaan ng bumagsak na puno.
Sa ngayon, wala namang naiulat na missing o nawawalang indibidwal.