Dalawang Manggagawa sa San Mateo, Isabela, Inaresto ng mga otoridad!

142

San Mateo, Isabela – Bagsak kulungan ang dalawang kalalakihan matapos isilbi ang Warrant of Arrest ng mga ito sa kasong robbery pasado alas onse ng tanghali sa Brgy. 3, San Mateo, Isabela.

Kinilala ang mga nadakip na sina Mark Anthony Gaano Pineda, 31 anyos, walang asawa, laborer at Sonny Salvador Castillo, 31 anyos, may asawa, laborer at kapwa residente ng nabanggit na barangay.

Dinakip ng mga kasapi ng PNP San Mateo katuwang ng CIDG Isabela ang dalawang akusado matapos magpalabas ng Warrant of Arrest si hukom Ariel M. Palce ng RTC Cauayan City dahil sa kaso nilang Robbery.

Nasa kustodiya na ng PNP San Mateo sina Pineda at Castillo para sa kanilang kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa kanilang court of origin.

Makakalaya lamang ang dalawa kung makakapaglagak ng kanilang piyansang tig isang daang libong piso.

Facebook Comments