2 lalake arestado dahil sa pagbebenta online ng mga ilegal na paputok

Sa bilangguan nag Pasko ang 2 lalake na pawang mga taga Tondo, Maynila matapos mapag alamang nagbebenta online ng mga ilegal na paputok.

Ayon sa PNP Anti Cybercrime Group nagkasa ng cyber patrolling ang pulisya kung saan nadiskubre nila ang isang fb account na may pangalang “Saint Laurent” na nagbebenta online ng mga ilegal na paputok.

Dito na nagkasa ng operasyon ang PNP at naaresto sina alias “Mark” at isang alias “Mike” na kilala din bilang Tuna at Kingkong sa Facebook Marketplace.


Nakuha sa mga ito ang 10 cubes ng Kingkong firecrackers, 4 na cubes ng Tuna firecrackers at 4 na pirasong Kabase firecrackers na nagkakahalaga ng halos P7,000

Sa ngayon, nasampahan na ng kasong paglabag sa Sale, Manufacture, Distribution, and Use of Firecrackers and Pyrotechnic Devices in relation to R.A 10175 o Cybercrime Prevention Act of 2012 ang 2 suspek.

Facebook Comments