2 lalake huli sa pagtutulak ng shabu sa Maynila

Manila, Philippines – Isasalang ngayon sa inquest proceedings ang dalawang lalake na nahuli ng Manila Police District (MPD) Sampaloc Police Station 4 sa ginawang anti-illegal drugs follow-up operation sa Felix Street, kanto ng Pedro Gil, Pandacan Manila.

Ang mga kakasuhan ng paglabag sa Section 11 ng Republic Act 9165 ay sina Christian Lubao, 38-anyos at Jeffrey Andal, 43-anyos.

Ayon kay Station 4 Commander Police Superintendent Erwin Tayag sa nasabing anti-criminality operations nakuha sa mga suspek ang apat na maliliit na sachet ng hinihinalang shabu na dinala na rin sa crime laboratory upang suriin.


Paliwanag ni Superintendent Tayag ang pagsasalang sa forensic examination sa nakuhang ilegal na droga sa mga suspek ay bahagi ng proseso nang pagkumpirma sa krimen upang magamit na ebidensiya laban sa dalawang drug pusher.

Facebook Comments