2 LALAKI, ARESTADO MATAPOS HAMUNIN NG SUNTUKAN ANG MGA BARANGAY TANOD

CAUAYAN CITY- Arestado ang dalawang lalaki matapos nagsisisigaw at hamunin ng suntukan ang mga otoridad sa Brgy. Nagassican, Santiago City.

Ayon sa Santiago City Police Office Station 4, sumisigaw sa kalsada ang dalawang suspek kung saan agad itong nirespondehan ng mga barangay tanod ngunit sa halip na tumigil ay hinamon pa ng ga ito ng suntukan ang mga tanod.

Dahil dito, inaresto ng mga rumesponde pulis ang mga suspek at dinala sa himpilan ng kinauukulan para sa pagsasampa ng kaukulang kaso.


Mahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa Art. 151 of Revised Penal Code o Resistance and disobedience to a person in Authority at Art. 155 of Revised Penal Code Alarms and Scandals.

Facebook Comments