Arestado ang dalawang lalaki matapos magtangkang magpasok ng iligal na droga sa Makati City Jail.
Kinilala ang mga suspek na sina Wilfredo Bolanos, 36; at Vinancio Capinpin, 26.
Ayon sa kay Jail Chief Inspector Castle Masip, ang warden, kinakabahan ang mga suspek habang sinusuri ang mga dalang gamit.
Dahil sa kaduda-duda ang kilos, tinignan ang laman ng lotion at shampoo at dito nakita ang ilang pakete ng shabu at 5 ecstacy kung saan nagkakahalaga ang mga ito ng hindi bababa sa ₱200,000.
Bukod sa pera na 126,800, mayroon ding nakuhang 5 android phones mula sa mga suspek.
Nabatid na isang Chinese na nakakulong ang pagdadalhan ng kontrabando.
Facebook Comments