2 LALAKI ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA BINALONAN; SHABU AT ARMAS, NASABAT

Arestado ang dalawang lalaki sa isinagawang anti-illegal drugs operation sa Binalonan, Pangasinan kagabi, Nobyembre 26, 2025.

Kinilala ang mga suspek na isang 40-anyos na mekaniko mula Pozorrubio at isang 51-anyos na residente ng Baguio City.

Nasamsam sa operasyon ang tinatayang 3 gramo ng hinihinalang shabu na may tinatayang halagang ₱20,400, na nakalagay sa tatlong heat-sealed plastic sachet.

Narekober din ang boodle money, isang sling bag na naglalaman ng baril na may tatlong bala, isang glass tooter, at isang cellphone.

Isinagawa ang inventory at marking ng ebidensya onsite sa harap ng mga suspek at mandatory witnesses alinsunod sa itinakdang proseso ng batas.

Facebook Comments