2 LALAKI, ARESTADO SA BUY-BUST OPERATION SA SANTIAGO

CAUAYAN CITY- Napasakamay ng mga otoridad ang dalawang kalalakihan matapos ang ikinasang drug buy-bust operation sa Purok 6 Brgy. Plaridel, Santiago City.

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Vic”, 44-anyos, at alyas “Joey”, 49-anyos, pawang mga residete ng nasabing lungsod.

Narekober sa mga suspek ang isang (1) piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, buy-bust money, cellphone, at tricycle.


Dinala ang mga suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.

Mahaharap naman ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments