Dalawang lalaki ang inaresto ng mga tauhan ng Malasiqui Municipal Police Station (MPS) sa magkahiwalay na operasyon matapos silang kapwa mapag-alamang wanted sa kasong Grave Threat kahapon, Nobyembre 11.
Unang naaresto bandang alas-11:30 ng umaga ang isang singkwentay nuebe anyos na lalaking residente ng Malasiqui, Pangasinan. Ayon sa ulat, ang pag-aresto ay isinagawa sa bisa ng Warrant of Arrest para sa kasong Grave Threat na may rekomendadong piyansang ₱36,000.00.
Makalipas ang dalawampung minuto, isang saisenta y dos anyos na lalaking residente rin ng bayan naman ang naaresto sa parehong kaso at inirekomendang piyansa.
Ang parehong suspek ay kasalukuyang nasa kustodiya ng Malasiqui MPS para sa wastong dokumentasyon at karagdagang proseso alinsunod sa batas.
Patuloy namang pinaaalalahanan ng kapulisan ang publiko na makipagtulungan sa mga awtoridad sa pagpapanatili ng kapayapaan at sa mabilis na pagtugon sa mga kasong kriminal sa kanilang lugar. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨𝙙𝙖𝙜𝙪𝙥𝙖𝙣









