2 lalaki, arestado sa pagsusugal at iligal na droga sa Binondo, Maynila

Kalaboso ang dalawang magkaibigang lalaki matapos mahulihing nagsusugal at makuhanan pa ng iligal na droga sa Gate 50 Parola Compound, Binondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na sina Ronald Oyog at Ericson Loreto na kapwa helper sa isang construction site.

Nabatid na nagsasagawa ng patrolya ang mga tauhan ng police station-11 ng makita nila ang grupo ng mga kalalakihan na nagka-kara krus.


Agad na nilapitan ng mga pulis ang grupo pero nagtakbuhan ang ilan sa mga ito king saan tanging sina oyog at loreto ang nasakote ng mga pulis.

Nakumpiska sa kanila ang barya na ginagamit sa sugal at perang pamusta na aabot sa P363. 00.

Nang kapkapan naman, nakuha pa sa dalawang suspek ang apat na sachet ng shabu at kanila din agad inamin na gumagamit lamang at hindi nagbebenta ng iligal na droga.

Facebook Comments