2 lalaki, arestado sa sariling apartment dahil sa iligal na droga

Quezon City – Huli ang dalawang mag-partner na lalaki na notoryus na nagbebenta ng iligal na droga sa mga high end bars sa Metro Manila kabilang sa Tomas Morato at Bonifacio Global City.

Sa bisa ng search warrant, ginalugad ng PDEA ang apartment ni Jerome Cheng at boyfriend na si Phil Angelo sa Scout Lazcano Extension Road.

Mahigit isang daang capsule at tablet ng ecstasy na may market value na 300 thousands pesos ang nakuha sa pag-iingat nito.


Todo tanggi si Jerome at sinabing hindi lahat ay sa kaniya kung saan planted daw ng mga pulisya ang iba sa mga nakuha.

Nabatid naman na isang buwan nang isinailalim sa surveillance ng PDEA si Jerome at kumpirmado itong nagbebenta ng iligal na droga.

Facebook Comments