2 Lalaki, hinihinalang Nagpakamatay dahil sa Personal na Problema

Cauayan City, Isabela- Wala nang buhay ng matagpuan ang katawan ng dalawang katao na hinihinalang nagpakamatay mula sa bayan ng PeƱablanca at Lasam sa Cagayan.

Kinilala ang biktima na si Lito Tabunan, 34-anyos, may-asawa, isang laborer at residente ng Brgy. San Marcos, Alfonso Lista, Ifugao.

Lumalabas sa imbestigasyon ng pulisya, natagpuan si Tabunan na nakabitin ang katawan sa isang bunk house habang nakatali ang leg gamit ang nylon rope.


Kumbinsido naman ang pamilya ng biktima na nagpakamatay ito dahil sa dinaranas na depresyon.

Maliban dito, natagpuan rin ang wala nang buhay na katawan ng isang construction worker na nakilalang si Christian Mark Agbayani, 23-anyos at residente ng Zone 3, Brgy. Nabannagan East, Lasam, Cagayan.

Batay sa salaysay ng nakababatang kapatid ng biktima na si Dominador Agbayani, nagkayayaan ang biktima at iba pang kamag-anak nito na mag-inuman.

Nagawa pang ihayag ng biktima sa kanyang kapatid ang personal na problema hanggang sa matapos ang inuman ay agad na tumungo ang biktima sa kanyang kwarto habang ang kapatid naman nito ay patuloy ang kwentuhan sa kanilang kaanak.

Nang makauwi na ang mga kamag-anak ng magkapatid ay laking gulat ni Dominador ng makitang wala ng buhay ang biktima habang nakaupo ito at nakatali sa leeg ang isang electrical wire.

Paalala naman ng pulisya na mangyaring kausapin ang miyembro ng pamilya para makahingi ng pag-aalaga sa kabila ng dinaranas na problema.

Facebook Comments