2 lalaki, huli dahil sa paglabag sa liquor ban sa Binondo, Manila

Arestado ang dalawang lalaki dahil sa paglabag sa umiiral na liquor ban sa Maynila.

Kinilala ang mga ito na sina Michael Duhaylungsod, 41 anyos at John Leonars Argat, 36 anyos, parehong grab driver.

Sa ulat ng National Capital Region, nagsasagawa sila ng checkpoint operation sa may Juan Luna Street near corner Meisic Street, Binondo nang i flagged down ang sasakyan ng mga suspek na may nakalagay pang “DO NOT DELAY” sign and “FLEXO MANUFACTURING SHUTTLE SERVICE” sticker.


Pero nang magsagawa ng thermal scanning and visual inspection ang mga pulis, nakita sa likurang bahagi nang kanilang sasakyan ang ilang bote ng alak.

Dahil dito, hinanapan ng mga pulis ang mga suspek ng Quarantine Pass at Rapid Pass pero wala silang maipakita dahilan para sila ay arestuhin.

Nakuha sa kanilang sasakyan ang 44 na bote ng alak.

Facebook Comments