Timbog ang dalawang lalaki matapos mahuli sa aktong nagnanakaw sa isang simbahan sa Brgy. Bari, Mangaldan, Pangasinan.
Ang mga suspek ay isang pedicab driver at tindero na pawang residente sa bayan. Ayon sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, bandang alas diyes ng gabi nang makarinig ng kalampag ang pastor mula sa kanilang simbahan.
Huli sa akto ang dalawang suspek habang tinatangay ang aircon ng kanilang simbahan. Agad naaresto ang dalawa matapos rumesponde ang awtoridad.
Sasampahan ng kasong pagnanakaw ang dalawa. |𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨
Facebook Comments