Kinilala ang mga suspek na sina Antonio Nawalig, 49-anyos at Edie Miguel, 50-anyos na kapwa residente ng Barangay Pinto sa naturang bayan.
Batay sa impormasyon ng PNP Alfonso Lista at Community Environment and Natural Resources Office (CENRO), nagsasagawa ng anti-illegal logging operations ang mga awtoridad ng maaktuhan ang mga suspek na nagpuputol ng kahoy.
Bigo naman ang mga ito na magpakita ng anumang dokumento sa legalidad ng kanilang ginagawang pamumutol ng kahoy dahilan upang tuluyan silang arestuhin ng operatiba.
Nakumpiska sa kanila ang sawn lumber Rain Trees at Dir-an Trees na nasa mahigit 850 board feet at nagkakahalaga ng mahigit kumulang P22,000 at isang (1) chainsaw.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong PD 705 o “The Revised Forestry Code of the Philippines” at R.A No. 9175 o Chain Saw Act of 2002 habang nasa kustodiya ito ng CENRO para sa tamang disposisyon.