2 Lalaki, Huli sa Magkahiwalay na Operasyon ng Pulisya dahil sa Droga

75

*Cauayan City, Isabela*- Timbog ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng pulisya at PDEA Region 2 sa ikinasang drug buy-bust operation sa Isabela.

Kinilala ang mga suspek na sina Jayson Silverio,32 anyos, may asawa, isang operator at residente ng Brgy. Namnama, Cabatuan, Isabela at Roberto Collantes, 45 anyos, walang asawa, isang butcher at residente ng Brgy. Anao, Cabagan, Isabela.


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, dinakip angh dalawa matapos magsagawa ng buy-bust operation ang mga operatiba na nagresulta naman sa pagkahuli at pagkakakumpiska ng mga iligal na droga sa mga ito.

Nakumpiska sa pag iingat ni Silverio ang isang pakete ng pinaniniwalaang shabu at P1,000.00 na buy-bust money at narekober naman kay Collantes ang isnag pakete ng shabu at P500.00 na buy-bust money.

Nahaharap naman sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments
From Advertisers