2 Lalaki, Huli sa Pag Iingat ng Hindi Lisensyadong Baril

80

*Cauayan City, Isabela*-Arestado ang dalawang lalaki sa pag iingat ng mga di lisensyadong baril at bala sa Probinsya ng Cagayan.

Nakilala ang mga suspek na sina Randy Mamauag alyas ‘BAYON’, 36 anyos, may asawa, isang magsasaka at Francisco Jovellanos, 56 anyos, may asawa, isang laborer na kapwa residente sa


Batay sa imbestigasyon ng pulisya, narekober sa pag iingat ni Mamauag ang isang (1) caliber 38 revolver na may serial number 34711 na may lamang anim na (6) bala at iba pang personal na gamit habang nakumpiska sa pag iingat ni Jovellanos Sr., ang isang caliber 22 na may apat bala ng baril.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Republic Act 10591 o “Comprehensive Law on Firearms and Ammunitions”

Facebook Comments