2 Lalaki, Inaresto sa Hotel Matapos Magpositibo sa Buy-bust!

262

Cauayan City, Isabela- Dinakip ng mga alagad ng batas ang dalawang (2) lalaki matapos magpositibo sa ikinasang drug buy bust operation sa isang hotel sa Centro 8, Tuguegarao City, Cagayan.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act ang dalawang suspek na kinilalang sina Ryan Jay Adducul, 26 anyos, walang asawa at Rey Tappa, 28 anyos, binata at kapwa residente ng Brgy. Cataggaman Nuevo, Tuguegarao City, Cagayan.


Isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng PNP Tuguegarao City, Provincial Intelligence Unit at PDEA RO2 ang naturang operasyon na nagresulta sa pagkakahuli ng dalawang suspek matapos na mabentahan ng isang (1) sachet ng hinihinalang shabu ang isang poseur buyer.

Narekober naman sa pag-iingat ni Tappa ang apat (4) na sachet ng illegal na droga at tatlong (3) piraso ng improvised glass pipe.

Dinala sa PDEA-RO2 ang mga nakuhang ebidensya at dalawang suspek para isailalim sa drug test at laboratory examination.

Facebook Comments