2 lalaki na galing sa ‘beerhouse’, sugatan matapos pagbabarilin

QUEZON CITY – Sugatang isinugod sa East Avenue Medical Center ang 2 magkaibigan matapos pagbabarilin sa labas ng isang beerhouse sa kahabaan ng IBP Road Barangay Batasan Hills kagabi.

Sa report ni QCPD Station 6 commander PSUPT Joel Villanueva, kakalabas lang sa beerhouse ng mga biktimang sina Jeve Rosales at Angelito Awayin nang dumating ang isang lalaking kalbo na armado ng baril.

Sa pahayag ng 2 pang kasamahan nina Rosales at Awayin, nagpakilalang pulis ang suspek bago pinagbabaril ang mga biktima.


Sumakay sa isang kotse ang gunman matapos ang insidente.

Lumalabas sa imbestigasyon ng mga otoridad na bago ang pamamaril ay nagkaroon ng alitan sa loob ng beerhouse.

Sa follow up operation ng Batasan Police Station, isang nagngangalang Elmart Encabo ang inaresto na umanoy may kinalaman sa pamamaril sa 2 biktima.

Facebook Comments