2 lalaki na ilegal na nagtatapon ng basura sa Subic habang bumubuhos ang malakas na ulan, ipina-aresto ng isang kongresista

Ipina-aresto at ipinakulong ni Zambales 1st District Representative Jay Khonghun, ang dalawang lalaki na nahuling ilegal na nagtatapon ng basura sa Subic Bypass Road sa kasagsagan ng malakas na pag-ulan dulot ng habagat.

Sinampahan sila ng kasong illegal dumping pero umapela sila na daanin na lang sa community service ang kanilang parusa.

Bunsod nito ay iginiit ni Khonghun sa lahat ng mga lokal na pamahalaan na magpatupad ng malakas na mga polisiya para maproteksyunan ang kalikasan tulad ng pagpapatupad ng disiplina sa tamang pagtatapon ng basura.

Binigyang-diin ni Khonghun na responsibilidad nating lahat na panatilihing malinis ang ating kapaligiran upang maiwasan ang pagbaha sa ating lugar.

Facebook Comments