
Matapos ang ilang oras na paghihintay ay lumabas at inaresto ang dalawang lalaki na nagtatago sa isang manhole sa Visayas Avenue sa Quezon City.
Ang naaresto ng mga awtoridad ay ang mga umamin sa pagnanakaw ng mahigit P110,000 halaga ng telephone wires.
Sa report ng Quezon City Police District (QCPD), naaresto ang dalawang suspek kasunod ng report ng mga security guard ng pizza restaurant sa lugar na mayroong isang bukas na manhole na may mga nakatagong lalaki.
Hinihingal na lumabas ang dalawa na kinilalang sina alias Jerome, 31 taong gulang; at alias Crisjay, 33 taong gulang.
Nakumpiska sa mga ito ang iba’t ibang mga kable na nagkakahalaga ng mahigit P117,000.
Nahaharap ngayon ang mga suspek sa kasong paglabag sa Republic Act 10515 o Anti-Cable Television And Cable Internet Tapping Act of 2013.









