2 Lalaki na tangkang Magbiyahe ng Milyong halaga ng Marijuana, Nadakip

Cauayan City, Isabela-Nasakote ng mga otoridad ang tangkang pagbibiyahe ng dalawang (2) lalaki ng bloke-blokeng Marijuana matapos maharang sa checkpoint kagabi sa Sitio Ampawelin, Poblacion, Sadanga, Mountain Province.

Nakilala ang mga suspek na sina Louigie Erguiza Param at Bernard Hope Poyaoan Bravo II, kapwa 22-anyos at residente ng Sta. Mesa, Manila.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang Sadanga Police Station kaugnay sa pagbiyahe ng marijuana at hinihinalang dadaan sa Kalinga kung kaya’t nagkasa agad ng checkpoint katuwang ang PDEA Mt. Province at positibo ang impormasyon nang parahin ng mga otoridad ang isang Black Toyota Sedan.


Nakumpiska sa mga naaresto ang 30 bricks ng Marijuana at isang tubular na tumitimbang ng 30.75 kilo na tinatayang nagkakahalaga ng higit P3.6 milyon.

Mahaharap ang 2 suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments