2 Lalaki na tangkang Magpuslit ng Kilo-kilong Marijuana, Timbog

Cauayan City, Isabela- Nahuli ng mga kasapi ng PDEA RO2, Regional Drug Enforcement Unit ng PRO2, Isabela PNP at Santiago City Police Station ang dalawang lalaki na tangkang magbibiyahe ng nasa anim (6) na kilong Marijuana dakong 1:30 kaninang madaling araw sa Brgy. Sinsayon, Santiago City.

Sa ulat ng PDEA region 2, nakilala ang mga suspek na sina Roger Alfonso Bangngawan, 33-anyos, may-asawa at residente ng Brgy. Dao-Angan, Balbalan, Pinukpuk, Kalinga at Raymond Joaquin Ferrer, 28-anyos, binata at residente ng Brgy. Binaural, Pusorubio, Pangasinan.

Nakumpiska sa pag-iingat ng mga suspek ang anim (6) na bloke ng pinatuyong dahon ng Marijuana, isang tubular na naglalaman rin ng droga, ilang drug paraphernalias, isang sasakyan na walang plaka at naglalaman umano ng pinutol na kahoy.


Bigo namang makapagpresenta ang mga suspek ng dokumento para sa legalidad ng kahoy kung kaya’t kinumpiska rin ito ng mga otoridad.

Nahaharap sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002, PD 705 o Illegal Logging ang mga suspek na nasa kustodiya ng PNP Santiago.

Facebook Comments