2 Lalaki na Wanted sa Batas, Huli sa Magkahiwalay na Operasyon sa Isabela!

65

*ISABELA- *Arestado ng mga otoridad ang dalawang lalaki na wanted sa batas matapos isilbi ang kanilang warrant of arrest sa magkahiwalay na lugar sa Lalawigan ng Isabela.

Unang dinakip ng mga otoridad si Edmhel Paul Nicolas, 20 anyos, binata, helper at residente ng Brgy Centro 1, Mallig, Isabela dahil sa kaso nitong Qualified Theft.


Ito ay sa bisa ng warrant of arrest na ipinalabas ni judge Raul V. Babaran ng RTC, branch 19, Cauayan City, Isabela kung saan may inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ni Nicolas na P30,000.00.

Samantala, timbog rin sa Brgy. Vira, Roxas, Isabela ang isang tsuper na may kaso rin na Qualified Theft na si Domingo Corpuz, 36 anyos, residente ng of Vira, Roxas, Isabela.

Hinuli si Corpuz sa bisa ng mandamiento de aresto na inihain ni judge Bernabe Mendoza ng RTC Br. 23, Roxas, Isabela.

Pansamantalang makakalaya si Corpuz kung makakapaglagak ng piyansa na P40,000.00.

Nasa kustodiya na ng PNP ang dalawang akusado para sa karagdagang dokumentasyon at disposisyon.

Facebook Comments

From Advertisers