2 lalaki, nahulihan ng alak sa checkpoint sa QC

Arestado ang dalawa katao matapos magtangkang magpuslit ng alak sa Quezon City  habang may umiiral na Enhanced Community Quarantine.

Kinilala ang mga nahuli na sina David Guzman, 29  driver, residente ng Barangay Commonwealth, QC at si Louie Montas, 18, isang helper at residente ng Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

Sakay ng ISUZU Elf delivery truck ang dalawa nang pahintuin sa may quarantine control point sa Abra St. Barangay Ramon Magsaysay.


Nang siyasatin ang kanilang delivery truck, dito na nakita ang 70 kahon ng alak na emperador.

Mahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa QC Ordinance No. 24 o Liquor Ban kaugnay ng Proclamation No. 922 at Bayanihan to Heal As One Act.

Facebook Comments