2 lalaki, patay sa anti-criminality campaign ng Baseco PCP

Manila, Philippines – Patay ang dalawang lalaki sa isinagawang anti-criminality campaign ng mga pulis sa Block 15-B Baseco Compound Port Area Maynila pasado alas dos ng madaling araw.

Walang pagkakakilanlan na nakuha sa mga lalaki na naisugod pa sa Gat Andres Bonifacio Hospital pero idineklarang dead on arrival.

Sa imbestigasyon ng Homicide Section ng Manila Police District, lumalabas na rumoronda ang mga pulis ng Baseco PCP nang makita ang isa sa mga lalaki na may hawak na baril.


Nagkahabulan na pero nakasalubong ng pulis ang lalaki at pinaputukan.
Ang isa pang lalaki ay nakita namang tumatakbo hawak ang pen gun.
Pinaputukan din siya ng mga pulis.

Nakuha mula sa dalawang lalaki ang isang sachet ng hinihinalang shabu, isang kalibre .38 at improvised pen gun.

Facebook Comments