2 lalaki sa Iloilo, patay matapos makuryente sa nahawakang livewire

548
LEGANES MPS

Patay ang dalawang lalaki matapos makuryente sa Brgy. Nabitasan, Leganes, Iloilo nitong Miyerkoles.

Kinilala ang mga biktima na sina Arjun Selecia, 27-anyos, at James Karl Saragena, 18 anyos, parehong residente ng Brgy. Bagumbayan, San Joaquin, Iloilo.


Naganap ang insidente dakong alas-3 ng madaling araw sa JNJ Dressing Plant.

Ayon kay Pssg. Emmanuel Maude, umakyat ng bubong si Saragena, kung saan nakapatong ang transformer ng planta, para makahanap ng maayos na signal sa ginagawang videocall dahil mahirap ang internet connection sa lugar.

Kasama niyang pumanhik ang biktimang si Selecia at kaibigan nilang si Angelo Sidlao.

Habang naglalakad ay aksidenteng nahawakan ni Saragena ang isang livewire kaya nakuryente. Sinubukan siyang sagipin ni Selecia pero ganoon din ang sinapit niya.




Agad naman humingi ng saklolo si Sidlao at nang balikan niya ang mga kasamahan ay wala na ito parehong buhay at nangingitim na.

Facebook Comments