Arestado ang dalawang lalaki sa magkahiwalay na operasyon ng San Fabian Municipal Police Station nitong Lunes, Oktubre 20, dahil sa kasong Statutory Rape sa ilalim ng Republic Act 8353 o Anti-Rape Law of 1997.
Unang naaresto bandang alas-10:30 ng umaga ang isang 22-anyos na garbage collector na kabilang sa listahan ng Top 1 Municipal Most Wanted Person ng bayan.
Kasunod nito, bandang alas-12:20 ng hapon, nadakip din ang isa pang suspek — isang 18-anyos na construction worker na nasa listahan naman ng Top 3 Most Wanted Person.
Ayon sa pulisya, parehong walang inirekomendang piyansa para sa dalawang akusado.
Sa kasalukuyan, nasa kustodiya pa ng San Fabian Police Station ang mga suspek habang isinasagawa ang kaukulang dokumentasyon bago dalhin sa korte.









