2 lalaki sa Taguig, inaresto dahil sa paglalaro ng iligal na sabong

Huli ang dalawang lalaki matapos na maaktuhang naglalaro ng iligal na sabong o tupada sa Brgy. Western Bicutan, Taguig City.

Kinilala ang mga naaresto na sina Allen Esposo, 48-anyos, at James Flores Jr., 38-anyos.

Sa ulat ng Southern Police District (SPD) nagsasagawa ang mga pulis ng anti-illegal gambling operation nang maispatan ang mga suspek na naglalaro ng tupada sa may Ilang-ilang St. Katipunan Village Brgy. Western Bicutan sa Taguig.


Hindi na nakapalag ang mga naaresto na ngayon ay nahaharap na kasong paglabag sa Presidential Decree 1602 o illegal cockfighting.

Nakuha sa mga suspek ang dalawang panabong na manok at 700 pesos na bet money o taya sa sugal.

Facebook Comments