2 LALAKI, TIMBOG SA BUY-BUST OPERATION

CAUAYAN CITY- Sa kulungan ang bagsak ng dalawang lalaking tulak ng iligal na droga sa magkahiwalay na drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Lungsod ng Santiago.

 

Kinilala ang mga suspek na sina alyas “Dominador”, 38-anyos, at residente ng Brgy. Calaocan at si alyas “Mon”, 23-anyos, at residente ng Brgy. Sinsayon sa nasabing Lungsod.

 

Narekober sa pag-iingat ni alyas “Dominador” ang dalawang piraso ng heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu habang nasamsam naman ang isang pirasong pakete ng hinihinalang shabu kay alyas “Mon”.


 

Dinala ang mga suspek sa himpilan ng Santiago City Police Office Station 4 para sa kaukulang dokumentasyon.

 

Samantala, mahaharap naman ang dalawang suspek sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Facebook Comments