2 LALAKI, TIMBOG SA BUY BUST OPERATION

Kalaboso ang dalawang lalaki sa isinagawang buy bust operation ng operatiba ng Pozorrubio Municipal Police Station at PDEA Regional Office 1 sa Brgy. Cablong, Pozorrubio.

Kinilala ang mga suspek na parehong 39-anyos na driver at construction worker na residente sa bayan.

Nasamsam mula sa kanila ang tinatayang dalawang gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng ₱13,600.00.

Ang mga suspek ay nasa kustodiya na ng Pozorrubio MPS at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments