Arestado sa isinagawang entrapment operation ang mga suspek na kinilalang sina Mark Gil Espino at Nathaniel Avelino na sangkot sa iligal na pagbebenta ng agarwood o kahoy mula sa puno ng lapnisan.
Ikinasa ang operasyon laban sa dalawa matapos makumpirma ng National Bureau of Investigation-Environmental Crime Division (NBI-ECD) ang pagbebenta ng mga ito ng agarwood sa halagang P150,000.00 kada kilo.
Kabilang sa nasamsam kina Espino at Avelino ay 17 kilo ng agarwood na ibinenta ng P1,955,000 sa nagpanggap na buyer.
Kasong paglabag sa RA 9147 o ang Wildlife Resources Conservation and Protection Act at PD 705 o ang Revised Forestry Code of the Philippines ang kinakaharap ng dalawa.
Facebook Comments