2 LALAKING WANTED SA KASONG PANGGAGAHASA, NASAKOTE NG MGA AWTORIDAD

Cauayan City – Tagumpay na naaresto ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon ang 2 kalalakihan na kabilang sa Top Most Wanted Persons sa lalawigan ng Isabela.

Nito lamang ika-14 ng Setyembre sa Brgy. Eden, San Manuel, Isabela, nasakote ng kinauukulan si alyas “Bong”, itinuturing Top 8 Most Wanted Person dahil sa kasong Statutory Rape na kinahaharap nito.

Samantala sa parehong araw ay nadakip rin sa Brgy. Marana 1st,Ilagan City ang tinaguriang Top 7 Most Wanted Person sa lalawigan ng Isabela na si Alyas “Rosendo”, dahil rin sa kasong Statutory Rape.


Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa pansamantalang kalayaan ng dalawang suspek.

Matapos ang pagkakaaresto, dinala sa Ilagan City PS si alyas “Rosendo”, habang si Alyas “Bong” ay dinala naman sa San Manuel PS para sa dokumentasyon bago sila tuluyang ipasakamay sa korteng pinagmulan ng kani-kanilang mga kaso.

Facebook Comments