2 lalawigan, handa nang tumanggap ng mga nais magbalik probinsya

Tumatanggap na ngayon ang pamahalaan ng mga nais magbalik probinsya sa ilalim ng balik probinsya, bagong pag-asa program.

Ayon kay Presidential Spokesperson Atty. Harry Roque sa katunayan may dalawang lalawigan na ang handang tumanggap ng mga gustong umuwi sa kani-kanilang lalawigan tulad ng Leyte at Camarines Sur.

Sinabi ni Roque na may nakahanda ng mga sasakyan na maghahatid sa mga nais mag- avail ng nasabing programa na matatagpuan sa National Housing Authority sa QC


Paliwanag pa ng kalihim, may naghihintay na trabaho sa mga uuwi sa kanilang probinsya at bibigyan din sila ng inisyatibo ng pamahalaan

Kahapon nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang EO 114 kung saan layunin ng balik probinsya, bagong pag-asa program na palawakin at dalhin sa mga probinsya ang pagbibigay ng social services, paglikha ng maraming trabaho at negosyo at tiyakin na maitaas ang antas ng pamumuhay sa mga rural areas.

Bunsod narin ng COVID-19 pandemic hangad ng pamahalaan na madecongest ang Metro Manila.

Facebook Comments