2 LGUS SA PANGASINAN, PINARANGALAN SA 2024 NATIONAL NUTRITION AWARDING CEREMONY

Kinilala ng National Nutrition Council (NNC) ang mga natatanging local government units (LGUs) at local nutrition focal points (LNFPs) sa kanilang mahusay at epektibong pagpapatupad ng mga programang pangnutrisyon sa 2024 National Nutrition Awarding Ceremony noong Marso 7, 2025.

Mga Nangungunang Gawad sa Nutrisyon Pitong pangunahing parangal ang iginawad ng NNC ngayong taon, kabilang ang Consistent Regional Outstanding Winner in Nutrition (CROWN) Award, First Year CROWN Maintenance Award, at iba pang pagkilala sa mga natatanging opisyal sa larangan ng nutrisyon.

Ang bayan ng Bayambang Isa sa mga Kinilala ng ahensya para sa kanilang patuloy na pagsisikap sa programang pangnutrisyon sa ilalim ng CROWN Award.

Pitong LGUs naman ang tumanggap ng First Year CROWN Maintenance Award dahil sa kanilang patuloy na mahusay na pagpapatupad ng nutrisyon programs kung saan Kabilang dito ang Urdaneta City.

Isinasagawa ng NNC ang taunang Monitoring and Evaluation of Local Level Plan Implementation (MELLPI Pro) upang suriin ang performance ng mga LGU sa larangan ng nutrisyon.

Sa pamamagitan nito, natitiyak ang pagpapatupad ng mahahalagang polisiya at programang pangnutrisyon sa mga lokal na pamahalaan.

Ang mga LGU na tatlong taon nang Green Banner Seal of Compliance awardee at may MELLPI Pro rating na hindi bababa sa 90 ay nakakatanggap ng CROWN Award. Samantala, ang mga patuloy na nagpapakita ng kahusayan sa loob ng anim na taon ay maaaring mag-qualify para sa Nutrition Honor Award (NHA). | 𝙞𝙛𝙢𝙣𝙚𝙬𝙨

Facebook Comments