2 linggong mass testing para sa mga empleyadong magbabalik na sa trabaho, iminungkahi ng isang kongresista

Inihayag ng isang kongresista na dapat magsagawa ng mas maigting na mass testing at contact tracing ang gobyerno sa loob ng dalawang linggo.

Ito ay dahil sa tinatayang aabot sa 15 milyong manggagawa ang lalabas para bumalik sa trabaho matapos ipatupad simula kahapon ang Modified Enhanced Community Quarantine.

Ayon kay House Committee on Ways and Means Chairman at Albay Rep. Joey Salceda, posible kasing tumaas pa ang bilang ng mga positibo sa virus dahil sa pagluwag ng mga quarantine protocols.


Dahil dito, inirerekomenda ng kongresista na magsagawa ng aabot sa 40,000 tests kada araw upang matiyak na matutupad ang plano ng gobyerno na mapababa ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa bansa.

Naniniwala rin si Salceda na magiging mahirap at matrabaho ito kung kaya’t kinakailangan din na kumuha ng aabot sa 500,000 na volunteers para magsagawa ng contact tracing.

Sa ngayon, umabot na sa kabuuang 158,000 indibidwal ang sumailalim sa COVID-19 test sa buong bansa habang nasa 8,000 COVID-19 tests ang naisasagawa kada araw.

Facebook Comments