2 linggong quarantine sa mga ayaw magpa-swab test, iginiit ng DILG

Iginiit ng Department of the Interior and Local Government (DILG) ang dalawang linggong quarantine sa mga ayaw magpa-swab test sa ilalim ng granular lockdown.

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, hindi ito parusa dahil alinsunod ito sa batas at panuntunang pinaiiral nila sa mga lugar na nakasailalim sa granular lockdown.

Aniya, kung hindi papayag ang mga pasyente o closed contact na magpa-test ay dapat silang mag-quarantine para hindi kumalat ang sakit.


Umapela rin ang kalihim sa mga residenteng sakop ng granular lockdown na sumunod sa health protocols para hindi na mapalawig pa ang lockdown.

Facebook Comments