Sarangani – Naaresto ng pinagsanib na pwersa Philippine Drugs Enforcement Agency ,Armed Forces of the Philippines Joint Task Force Gensan and local police ang 2 miyembro ng terror group na Anzhar Al-Khalifa Philippines (AKP), sa Maasim Sarangani province.
Nakilala ang magkapatid na suspek na sina Faroon Lumatao 35 yrs. old at Alhotaibby Lumatao 36 yrs. Old.
Ayon sa PDEA Director Director General Aaron A. Aquino pinoprotektahan ng magkapatid na Lumatao ang El Patron Drug Group na kumikilos sa South Central Mindanao.
Sa operation bitbit ang search warrant, nakumpiska sa mga suspek ang mga hinihinalang shabu na nag kakahalaga ng halos kalahating milyong piso.
Mayron din nakuhang matataas na uri ng armas at pampasabog tulad ng one rifle grenade, one hand grenade, one 40mm grenade launcher, and seven rounds of 5.56 live ammunition.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa republic act 9156 at gagamiting matibay na ebidensya lahat ng nakumpiska sa kanila kabilang na rin ang ilang transaksyon tulad ng bank deposit mga cheque savings account passbook, at mga pera na may ibat-ibang denominations.