Narekober ng military ang ilang high powered firearms at mga sangkap sa pagawa ng IED sa nangyaring enkwentro kontra sa mga local terrorist members sa Tunggol River sa bayan ng Datu Montawal , Maguindanao byernes ng hapon.
Sinasabing sakay ng tatlong bangka ang mga armado na may bitbit ng IED ng matunugan ng mga military resulta sa nangyaring engkwentro ayon pa kay 602nd Brigade Commander Col. Alfred Rosario sa panayam ng DXMY.
Sa inisyal na impormasyon, 2 sa mga armado ay naaresto, 3 ang napatay at di pa batid ang naging sugatan. Ilang sibilyan rin ang naging wounded matapos madamay sa crossfire.
Dalawang M16 rifles, isang M1 Garand isang caliber 45 pistol, assorted magazines at ammunitions ang narekober ng military habang kinilala ang mga naaresto na sina Mohamid Kambilan at Abdulah Minola na di umanoy mga myembro ng DAESH-Inspired Abu Turaifie Group (DITG).
Lubos naman ang pagpapasalamat ng pamunuan ng military sa pakikipagtulungan ng publiko