2 LPA, magpapaulan sa malaking bahagi ng bansa

Sabayan ng paghigop ng mainit na kape ang malamig na panahon sa Surigao o tikman ang Satti Soup ng Zamboanga.

Dalawang Low Pressure Area (LPA) kasi ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ang unang LPA ay huling namataan sa layong 135 kilometro silangan ng Surigao City, Surigao del Norte.


Ang ikalawa naman ay nasa layong 185 km ng kanluran ng Dipolog City, Zamboanga del Norte.

Dahil dito, asahan na ang maulap na kalangitan na may mga pag-ulan, pagkulog at pagkidlat sa Metro Manila, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region, buong Visayas, Caraga, Northern Mindanao at Zambanga Peninsula.

Gayunman, mababa ang tiyansa na maging ganap na bagyo ang dalawang LPA.

Huwag ding kalimutang magdala ng payong dahil magdadala pa rin ang amihan ng mahihinang pag-ulan sa Ilocos Region, Cordillera Administrative Region at Cagayan Valley.

Magiging maalinsangan naman ang nalalabing bahagi ng Mindanao pero may posibilidad pa rin ng mga panandaliang pag-ulan dulot ng localized thunderstorms.

Ang araw ay sumikat kaninang alas- 5:51 ng umaga at lulubog mamayang alas- 5:27 ng hapon.

Facebook Comments