Nadagdagan pa ang lugar na isinailalim sa Comelec control ngayong nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, nadagdag sa kanilang listahan ang Libon, Albay dahil sa magkasunod na insidente noong buwan ng Agosto kung saan sangkot ang mga incumbent barangay officials.
Ito ang pagpatay sa isang punong barangay matapos niyang makapaghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa parehong posisyon at pagpatay sa isang barangay kagawad.
Bukod pa rito ang presensiya ng private armed groups.
Ang pagsasailalim sa comelec control ng lugar ay base sa rekomendasyon ng Philippine National Police (PNP), Armed Forces of the Philippines (AFP), Philippine Coast Guard (PCG) at Commission on Elections (Comelec).
Maaalalang, nauna nang isinailalim sa COMELEC control ang Negros Oriental dahil sa pagpatay kay Gov. Roel Degamo nuong Marso.